On This Day - June 18, 1898 - Aguinaldo signed the decree establishing the Dictatorial Government
SA BAYANG PILIPINAS:
Tinalaga ng Dios na malagay aco sa isang luclucang naquiquilala cong di matatabanan ng catutubo cong lacas, nguni, yayamang di aco macalabag sa calooban ng Dios at di macaiuas sa manga catungculang ipinapapasan ng sariling puri at pag-ibig sa bayan, mula sa luclucang ito'y binabati quita iniirog cong bayan.
Ipinatanghal co sa sangcalibutan na ang pinagtutuyo nang boo cong buhay, ang hilagang tinutungo ng lahat cong nasa at pagsisicap ay di iba cundi ang iyong casarinlan, pagea't binubuo nang aquing isip na iya'y siya mong laguing hinahangad, palibhasa'y ang casarinla'y siya nating tunay na pagcatubos sa caalipnan at capusungan, ang lubos na pagcasauli ng naualay na Kalayaan at siya ring paquiquihalobilo sa cabilugan ng mga bayang timaua.
Di nalilingid sa aquin na ang unang catunculan ng isang mamamahala ay ang mamulot at magtipon ng lahat na hinahangad ng bayan; dahil dito'y baga ma't sa pagalinsunod co sa di caraniuang gaui ng digma ay napilitan acong magcana ng Gobierno Dictatorial na nacalilicom ng boong capangyarihan sa tauong bayan at sandatahan, ay uala acong laguing pinapacay cundi ang agapayanan at saclolohan ng mga tauong lalong quinaaalang-alanganan sa baua't cabayanan (provincia) at napagquilalang mapagcacatiualaan ayon sa ugaling ipinaquita, upan ding, cung maquilala co na ang tunay na quinacailangan ng baua't isa ay macapaglathala ng mga lalong mabisang paraan ng yao'y matacpan at malagyan ng tapal alinsunod sa hinahangad ng calahatan.
Napag-aaninao co rin ang mahigpit na pagcacailangang magtayo sa baua't bayan ng matibay at matatag na cahusayan, mistulang cuta ng capanatagan ng bayan at nacaisaisang paraan upang mapagtibay ang pag-cacaisang loob na quinacailangan sa pagbabangon ng Repuiblica ng pamamahalang sarili ng bayan at paghuhusay ng ano mang sigalot na mangyari tungcol sa mga taga ibang bayan.
Alang-alang sa mga pasubaling ito ay ipinag-uutos co itong mga susunod:
Unang Pangcat. Pag-totoosin at pagcacayamcayaman ng mga naninira sa baua't bayang quinalalaguian ng mga sandatahang castila ang lalong mabuting gauing paraan upang malusob at malipol sila alinsunod sa lacas at cayang magagamit, at ang mga mabihag sa laban ay bibiguian ng pitagan at asal na lalong naaayos sa pag-ibig sa capua tauo at sa inuugali ng mga bayang may pinagaralan.
Icalaua. Pag-naagao ang bayan sa cuco ng mga castila, ay ang mga mamamayang matangi, dahil sa liuanag ng caisipan, pagcatao at cabaitan maguing sa loob ng bayan maguing sa mga nayon ay magpipisan sa isang daquilang Kapulungan at dito pipiliin at ihahalal ang pagcaisahan ng marami na maguing Puno sa bayan at maguing Pangulo, sa baua't nayon, at dito sa ngalang nayo'y cabilang ang loob ng bayan. Macahaharap sa Kapulungang ito at maihahalal naman ang sino mang magtaglay ng mga casangcapang nasasabi sa itaas, cun mapagquilalang may pag-ibig sa casarinlan ng Pilipinas at may dalauang pu at isang taong singcad.
Icat-lo. Sa naturang Kapulunga'y maghahalal din ng pagcaisahan ng marami na tat-long catiuala: isa ang sa pangangalaga at cahusayan sa loob, isa ang sa catuiran at tandaang bayan at isa ang sa yaman at pag-aari. Ang catiuala sa pangangalaga at cahusayan sa loob ay siyang tutulong sa Puno sa paglalagay ng sandatahang sa dapat palaguiin baua't bayan sa bilang na nababagay sa pinagcucunan ng isa't isa, upang mapanatag sa catahimican at cahusayan at mailaya ang mga capoocan sa ano mang icasisira ng lacas ng catauan.
Ang catiuala sa catuiran at tandaang bayan ang tutulong sa Puno sa pag-babangon ng mga sulat-usap o hatulan, sa pagdadala ng mga librong tandaan ng mga iniaanac, namamatay at casundo sa pag-aasaua, pati ng talaan ng lahat na namamayan.
At ang catiuala sa Yaman at Pag-aari nang tutulong sa Puno sa paniningil ng ambagan, pangangasiua ng salapi ng bayan, pag-dadala ng mga librong tandaan ng mga hayop, bahay at lupain at sa lahat na dapat gawin upang mapasulong ang lahat na hanapbuhay ng tauo.
Icapat. Ang Punong Presidente pati nang mga Pangulo at ng mga nasabing catiuala ang magbubuo sa mga Kapulungang bayan na mangangalaga sa ganap na catuparan ng mga cautusaing umiiral at sa mga sariling pag-aari ng baua't bayan. Ang Pangulo sa baua't bayan ang siyang pangalauang Presidente ng Kapulungan at ang cagauad nito ay ang catiuala sa catuiran.
Ang mga Pangulo ang catiuala ng Puno sa pamamahala sa loob ng canicanilang nasasacop.
Icalima. Pag naitanong ng mga Punong bayan ang caisipan ng canicanilang Kapulungan ay mangagcacatipon at maghahalal ng pagcaisahan nang maraming maguing Punong cabayanan at tatlong casanguni ucol sa tatlong tungcol na nasabi na.
Ang Punong Kabayanan na siyang Presidente, ang Punong bayan sa loob ng cabayanan na pangalauang Presidente at ang manga naturang casanguni ang mag bubuo ng Sanguniang cabayanan na mangangalaga sa catuparan ng manga pacana nitong Gobierno o Pamunuan sa boong nasasacop niya at sa manga pag aari ng boong cabayanan, at tuloy maghahamong dito rin sa Pamunuan ng manga pacanang nauucol sa cagalingan ng lahat.
Icaanim. Ang manga naturang Puno'y mag hahalal din nang pagcaisahan ng maraming tatlong Tagatayo sa baua't cabayanan ng Maynila at Kavite; dalaua sa baua't cabayanang cun tauagui'y de termino o pinaca-malaqui sa cautusang castila; at isa sa iba't iba pang cabayanan nitong Sangcapuloan.
Ang manga naturang Tagatayo ang mangangalaga sa mga pag-aaring ucol sa lahat nitong Kapuluan, at sa sariling pag aari nang canicanilang cabayanan at siyang mag bubuo ng Kapisanang taga pagbangon (Congreso Revolucionario) na cusang maghahamong dito sa Pamunuan ng manga pacanang dapat, upang manatili ang cahusayan sa loob at ang capanatagan sa labas nitong Kapuluan, at didinguin sa lahat ng usap na mabigat at ucol sa calahatan, cun ang pasiyang dapat ay mangyayaring ipagtiguiltiguil.
Icapito. Ang sino mang ma-atangan nang catungculan sa paraang nabibilin sa manga nangungunang Pangkat ay di macagagamit ng capangyarihan cundi mapagtibay muna nitong Pamunuan, na cusang mag gagauad ng catibayan cung maquita ang mga casulatan sa paghahalal.
Quiquilalanin ang calagayan ng mga Tagatayo cun maiharap nila ang casulatan sa paghahalal.
Icaualo. Ang manga Punong sandatahan na ihalal nitong Pamunuan sa baua't cabayanan ay di macapaquiquialam sa pamamahala sa loob nito, at ualang ibang magagaua cundi ang huminging tulong sa lahat nilang cailangan sa manga Punong cabayanan at Punong bayan na di macapagcacait cun may tunay na cadahilanan.
Gayon ma'y cun ang cabayana'y pagbalaang sirain o mapasoc ng manga caauay ay malilicom ng lalong Punong sandatahan ang boong capangyarihan ng Punong cabayanan, hangang macaraan ang panganib.
Icasiam. Maghahalal ang Pamunuan sa baua't cabayanan ng isang tanging sugo na may capangyarihang macapagtayo ng cahusayang nabibilin sa cautusang ito alinsunod sa manga tagobiling ipadala sa caniya nito ring Pamunoan. Talagang sugo na may sariling capangyarihan ang manga Punong sandatahan na macapagligtas sa manga bayan sa sacupan nang castila.
Ang nasabing sugo ang mangunguna at mangangasiua sa unang Kapulungang dapat gauin sa baua't bayan at cabayanan.
Icasampu. Pagcatayo nang cahusayang nabibilin sa cautusang ito ay mauaualang bagsic ang manga naunang paghahalal sa ano mang catungculang bayan, cahit saan nagbuhat at ano man ang dahilan, at gayon din ang mga pacanang masalansang dito.
Lagda sa Kavite ng 18 ng Junio ng taong 1898.
EMILIO AGUINALDO
Source: The laws of the first Philippine Republic (the laws of Malolos) 1898-1899. Compiled & edited by Sulpicio Guevara, Manila : National Historical Commission, 1972.
No comments:
Post a Comment